Ang site na ito ay ginawa ng inyong lingkod hindi lamang sa pansariling kapakanan, ito ay iniaalay ko sa ilang mga taong naging bahagi na ng aking buhay at upang magamit ang ilang kainip-inip na oras.
Hindi ko po ninanais na makasakit ng damdamin o kung ano pa man. Kung mayroon po kayong nakita na sa palagay n'yo po ay hindi magandang nilalaman ng site na ito, kung maaari sana ay ipag bigay alam ninyo sa akin at agad ko namang gagawan ng paraan ang ano mang bagay na nais ninyong baguhin. Kung maaari rin po sana ay padalan ninyo ako ng ilang suhesyon upang makatulong sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng site na ito.
Malugod ko po kayong tinatanggap sa site na ito. Sana po ay masiyahan kayo sa minsang pagdalaw n'yo dito. Maraming salamat po! Hanggang sa muling pagkakaligaw. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~